Kahit nag-uumapaw ang foreign aid: Pinas umutang sa World Bank


Written by Johnny Arasga

Sa kabila ng nag-uumapaw na foreign aids sa bansa, kinakailangan pa rin ang US$500 million loan facility ng Pilipinas sa World Bank.

Binigyang diin ito ng Malakanyang sa harap na rin ng pahayag ni Finance Secretary Cesar Purisima na malaki ang natipid sa government spending at buhos din ang foreign assistance.

Ayon kay Budget Secretary Florencio Butch Abad ang nasabing loan ay para sa pagtatayo ng mga istruktura at efforts sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda.

Muling tiniyak ni Abad na ang mga natatanggap na donasyon ay nagagamit nang naaayon sa relief operations sa mga biktima ng kalamidad.

Una rito, inanunsyo ng World Bank group ang US$500-million loan o halos P21-billion at pagpadadala ng global disaster experts para sa recovery efforts ng Pilipinas sa pananalasa ng bagyong Yolanda.

Ginagarantiyahan ni Budget Secretary Butch Abad na hindi makukurakot o magagamit sa katiwalian ang dumadagsang donasyon mula sa ibang bansa para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ang pahayag ay ginawa ni Abad matapos ilunsad ang foreign aid transparency hub na http://www.gov.ph/faith na maaaring i-access ang kumpletong impormasyon ng humanitarian aid na ibinigay ng iba’t ibang bansa at iba pang foreign aid organizations.

Ang paglikha sa website ay iniutos ni Pangulong Noynoy Aquino upang matiyak ang transparency at accountability.

Sa ngayon, pumapalo na sa P11-billion ang foreign donations para sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda na ang P5.5-billion ay cash at P5.8-billion ang non-cash.

Related

World Bank 5651952375596925625

Post a Comment

emo-but-icon

Popular

Contribute

To post articles, please contact us at pinoykodotcom@gmail.com. Thank you!

Blog Archive

item